Pagdedeklara ni PNoy sa National Day of Remembrance, ikinagalak ng pamilya Quizon

LABIS na ikinatuwa ng mga anak ng yumaong King of Comedy ang pagdideklara ni Pangulong Benigno Noynoy Aquino ng National Day of Remembrance para sa kanilang ama.

Ayon kina Epi at Vandolph Quizon, isang karangalan para sa kanilang mga anak ang ikonsidera ang kanilang ama ng mismong pangulo ng bansa.

Sinabi ng mga kaanak na nagpapasalamat ang buong pamilya Quizon sa Pangulo sa karangalang ipinaabot nito sa kanilang ama sa pagkakadeklara ngayong  Hulyo 13, Biyernes para sa King of Comedy na si Rodolfo Vera Quizon Sr.

Bukod dito, labis din ang kanilang pasasalamat sa pagpabor ni Pangulong Aquino na gawing National Artist ang kanilang ama na naghatid ng kasiyahan para sa maraming Pilipino.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply