Pagdinig sa kasong plunder ni GMA sinuspinde ng S’bayan

SINUSPINDE ng Sandiganbayan ang pagdinig sa kasong plunderna kinakaharap ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay sa umano’y paggastos sa mahigit P365 milyon pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Batay sa anim-na-pahinang resolusyon ng First Division ng Sandiganbayan, hindi pa natatanggap ng ilang mga kapwa-akusado ng dating Pangulo ang  joint resolution ng Ombudsman na nagsasabing may probable cause para sila ay kasuhan.

Ibinalik muna ng Sandiganbayan sa Ombudsman ang nasabing kaso upang mabigyan ang mga akusado ng pagkakataon na makapaghain ng mosyon at muling madinig.

Dahil dito, malabo pang makapagpalabas ng warrant of arrest laban kay Gng. Arroyo at sa iba pang akusado sa naturang kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply