Paggastos ng gobyerno, pinabibilisan kay Aquino

HINIKAYAT ni Senate President Juan Ponce Enrile ang administrasyong Aquino na bilisan ang paggastos sa pagpapatayo ng proyekto ng pamahalaan upang sumigla ang ekonomiya.

“The government should spend more, increase spending. Dapat gawin na nila ang mga tulay upang magkaroon ng trabaho ang taumbayan., magkakakaroon ng trabaho kapag mabilis at malakas ang spending ng gobyerno,” ayon kay Enrile sa panayam ng radio nitong Linggo.

Sinabi ni Enrile na lubha naman siyang nasisiyahan sa nangyayari sa ating ekonomiya, kabilang ang ginagawa ng administrasyon pero dapat umanong kumilos kaagad ang pamahalaan upang mapaghandaan ang nangyayari sa ibang bansa sa pamamagitan ng paggastos ng mas marami at pasiglahin ang ekonomiya.

“Okay naman, he is facing our problems on the economy. It is like a house, which need continues repair. Mahusay naman ang takbo ng ekonomiya, we have an steady exchange rate, inflation, interest rates, and inflows of foreign exchange, but there is slowdown in job creation due to the effects of the economy of other country, some economy are getting poorer, which also slows down export, that is the situation now,” ani Enrile.

Hinikayat din ni Enrile ang Gabinete ni Pangulong na madaliin ang pag-aapruba sa mga malalaking proyekto sa ilalim ng Public-Private Partnership program dahil ito ang pagpapasigla sa ekonomiya.

“I really don’t know their strategy. But they are the elected ones, let’s don’t teach them. But they should make a thorough studies on all contracts, and kailangan medyo bilis-bilisan nila ang desisyon. Hindi naman puwedeng ganoon na lamang, hindi ka gagastos. To take certain risk, hindi puwedeng ganoon lang,” paliwanag niya.

Sinabi pa ni Enrile na kakaunting panahon na lamang ang natitira sa administrasyon upang gamitin ang pondo sa imprastraktura dahil nalalapit na ang halalan sa 2013 na ipinagbabawal ang pagpopondo sa anumang proyekto.

“Let’s us see what they are going to do when summer comes. Kung pupusan magbuhos ng proyekto, kasi malapit na ang eleksiyon, kaya nga nahahalata ko na maraming repairs na ginagawa sa kalsada,” aniya.

“Malapit na ang eleksiyon may ban, dapat mag-apura na ngayon,” dagdag ni Enrile.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply