Paggisa sa CJ aspirants, sisimulan sa July 24

SISIMULAN sa Hulyo 24  ng Judicial and Bar Council  ang  public interview para sa mga nominado sa pagka-punong mahistrado sa Korte Suprema.

Ayon kay Atty. Jose Mejia, myembro ng JBC, sisimulan na nila ang public screening sa mga aspirante dahil sa kinakailangang maisumite na nila ang shortlist kay Pangulong Aquino sa Hulyo 30.

Sa pagtaya ni Mejia, kaya nilang tapusin ng apat na araw o hanggang sa Hulyo 27 ang gagawing panayam sa 24 na aspirante.

Mayroon namang hanggang Agosto 27 si Pangulong Aquino para makapili ng kapalit ni dating Chief Justice Renato Corona.

Muli namang ipinaalala ni Mejia na ang bubuksan lamang nila sa publiko o papayagan ang live coverage ay sa public interview at hindi kasama rito ang mga ginagawa nilang deliberasyon at botohan

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply