Paghahabol sa tax refund ng AUF, ibinasura ng SC

IBINASURA ng Korte Suprema ang petisyon ng Angeles University Foundation para sa paghahabol nito sa tax refund  na nagkakahalaga ng P826,662.99.

Pinagtibay ng Korte Suprema ang naunang desisyon ng Court of Appeals na nagsasaad na walang karapatan na humingi ng tax refund ang Angeles University Foundation  sa binayarang  building permit and real property taxes.

Sa 16-pahinang desisyon na sinulat Justice Martin S. Villarama, Jr. ng Supreme Court, ang appellate court  ay hindi nagkamali  sa pagdedeklara na dapat magbayad ng  regulatory fee ang Angeles University  Foundation lalo pa at hindi ito saklaw ng mga insentibong ipinagkaloob sa foundation salig sa RA 6055 o ang   (An Act To Provide For The Conversion Of Educational Institutions From Stock Corporations To Non-Profit Foundations, Directing The Government Service Insurance System, The Social Security System And The Development Bank Of The Philippines To Assist In Such Conversion, And For Other Purposes) nang balangkasin noong August 4, 1969  at maging sa itinatadhan ng  Local Government Code of 1991.

Ayon sa SC, ang itinakda sa naturang batas ay hindi maaaring gamitin ng Universidad lalo pa at ang building fee ay regulatory
imposition ng lokal na pamahalaan.

Ang exemption mula sa real property tax sa ilalim ng  probisyon na Sec. 234(b) ng Local Government Code of 1991 ay batayan lamang sa mga real property na ginagamit sa edukasyon o educational purposes, ayon pa sa Korte Suprema.

Sa pagbasura sa petisyon, sinabi ng mataas na hukuman  na hindi napatunayan ng Angeles University Foundation  na ang kanilang real property ay para lamang sa educational purpose.

Una nang inutos ng Angeles City Regional Trial Court Branch 57 na ibalik ng City of Angeles ang mahigit na P800,000 building permit  at real property tax ng naturang university kasama na ang interest.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply