Paghahanda hindi hinayang o pangamba

KAMAKAILAN ay nilagdaan na ni Pangulong Noynoy Aquino ang pagsasabatas ng karagdagang dalawang distrito sa Quezon City. Ibig sabihin ay hinati na sa tatlo ang kasalukuyang pinakamalaki na distrito sa Pilipinas, ang district 2, Quezon City. Kaya’t ang resulta ay may district 5 and 6 na. Dala-wang bagong kinatawan o cong-ressman at labindalawang bagong konsehal ang madaragdag na elected officials sa Quezon City.

Isinulat ko rin kamakailan ito at nalathala rin sa mga pahayagan na kinakailangan ang one billion pesos na karagdagan na budget para sa 12 na bagong konsehal. Kamakailan ay personal na nilinaw ni Ginoong Aldrin Cuña, ang butihin Chief of Staff ni Mayor Herbert Bautista, na hindi “hinayang o pangamba” ang nakabalot sa kanyang pahayag na kailangan ng one billion pesos na karagdagang budget ng Lungsod para rito. Kung hindi PAGHAHANDA. Kailangan ay handa tayo sa bagong 12 na konsehal. Kasalukuyan ay 24 ang konsehal na halal per district, bukod pa ang presidente ng Liga ng mga Barangay at ng mga SK Chairperson.

Dahil halal ng tao ang bagong 12 na konsehal dapat ay handa ang lungsod na sa kanilang pag-upo sa 2013 ay may opisina na at iba pang pangangailangan ng 12 upang mapagsilbihan nang maayos ang mga constituent ng district 5 at 6.

Itataas ba ang buwis upang matustusan ang karagdagang gastusin ng pamahalaan? Hindi ang pahayag ni Boss Aldrin. Ayaw ni Mayor Herbert Bautista na magdagdag ng kargo ang mga taga-Quezon City. “There is no need to raise taxes,” sabi ni Boss Aldrin na efficient ang tax collection ng Lungsod at laging may surplus. Taon-taon naman ay gumaganda ang collection ng hindi nagtataas ng buwis kaya’t walang dapat ipangamba ang ating mga taxpayer.

“Sa paghahanda ng budget para sa 2013 ay maingat na pag-aaralan ng executive department ng pamahalaan ang isusumite na 2013 budget sa konseho ng Quezon City. At hihimayin ito nang mabuti ng mga konsehal at sa kanilang budget hearing ay detalyadong pag-aaralan ito ng mga konsehal, “dapat ay pag-ingatan ang bawat piso ng kaban ng bayan,” pahayag ni Boss Aldrin.

Talaga bang one billion pesos ang kailangan? Estimate iyon. Maaaring mas mababa. Ang mahalaga ay “money well spent” ang dapat. Hindi lang 2013 ang kailangang tingnan dito. Ito ay isang makasaysayang pangyayari at ang paghahanda rito ay para sa mga darating pang panahon.

Pinakamalaking lungsod sa Metro Manila ang Quezon City. Dahil sentro ito ng kalakalan at maraming government offices ang narito, patuloy ang paglago at pagdami ng mga nakatira ditto. Ang karagdagang dalawang distrito ay karagdagang tulong para sa mga taga Quezon City sa pamamagitan ng dalawang bagong congressmen at 12 na konsehal na magsisilbi sa mga taga Quezon City. Take note sa mga taga-QC na kahit hindi ka taga district 5 o 6, ang mahahalal na mga konsehal mula sa distritong iyon ay hindi lang konsehal ng distrito, KONSEHAL SILA NG BUONG LUNGSOD. Elected by the district but representatives in the council by ALL PEOPLE OF QUEZON CITY. Kaya ba attorney, maraming bagong nagparehistro sa district 5 and 6 na tatkbo sa 2013? Bahala na ang mga botante ng district 5 and 6 kung sino ang karapat dapat na iupo nilang konsehal na hindi lang para sa kanila kung hindi para sa buong Quezon City.

Nagpapasalamat po ang inyong lingkod kay Chief of Staff ni Mayor Bautista, si Ginoong Aldrin Cuña sa kanyang paglilinaw. Mabuhay po kayo!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply