Pagharap ni Joker sa SC suportado ng Senado

SINUPORTAHAN ng Senado ang mosyon na inaatasan si Sen. Joker Arroyo na ipagtanggol sa gaganaping oral argument sa Supreme Court ang karapatan ng Senado na magkaroon ng kinatawan sa Judicial and Bar Council (JBC)

Walang tumutol sa mosyon ni Sen. Vicente Sotto III na atasan ng Senado si Arroyo na ipagtanggol ang karapatan ng Kapulungan na magkaroon ng isang kinatawan at boto sa JBC.

“With no objection, no negative votes, the motion appointing Sen. Joker Arroyo to represent the Senate in the oral argument before the Supreme Court is hereby approved,” ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile.

Sinabi ni Sotto na marami nang karanasan si Arroyo na humarap sa Supreme Court sa ilang pagkakataon na ipinagtanggol nito ang Senado sa kanilang karapatan sa ilalim ng Saligang Batas.

“So, sanay na s’ya. We are confident that he will be able, somehow, change the tide as far as perspective of some members of the S,” ayon kay Sotto.

Sinabi naman ni Enrile na napili ng karamihan si Arroyo dahil bihasa ang mambabatas sa constitutional law at marami nang beses na humarap ito sa Supreme Court na may paborableng resulta.

“Siya ang batikan na advocate, ako trial lawyer lang eh,” ayon kay Enrile.

Sinabi pa ni Enrile na maraming katanungan na dapat maihayag sa oral argument sa Supreme Court kabilang ang senaryo na sakaling mamatay ang isang Pangulo ng bansa at walang chief justice, hindi naman puwedeng maging presiding officer ang acting chief justice alinsunod sa Saligang Batas.

“Question doon eh, kung halimbawa eh noh, hindi ko naman sinasabi na mangyari pero, halimbawa, magkakaroon ng panahon na ganito din ang problema, walang Chief Justice at ma-impeach ang Presidente, pwede ba ‘yung Acting Chief Justice, ‘yung Associate Chief Justice of the Supreme Court ang mag-preside sa impeachment trial ng Presidente?,” aniya

Nakatakdang magkaroon ng oral argument sa Huwebes, Agosto 2 dakong alas 9 ng umaga na nakatakdang pangunahan ni acting JBC chairman and Supreme Court Associate Justice Diosdado Peralta.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply