Pagka-national artist ni FPJ kinumpirma ni PNoy

KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagiging national artist para sa 2006 ng namayapang Ronald Allan K. Poe o mas kilala bilang Fernando Poe Jr.

Sa ipinalabas na Proclamation No. 435 ni Pangulong Benigno Aquino na pirmado ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. ay nakasaad dito na kinukumpirma nito ang Proclamation No. 1069 na may petsang Mayo 23, 2006 na naggawad kay FPJ bilang national artist.

“Pursuant to the authority vested in me by law, I, Benigno S. Aquino III, President of the Philippines, do hereby confirm the declaration of Ronald Allan K. Poe a.k.a. Fernando Poe Jr. (Posthumous) as National Artist as conferred in Proclamation No. 1069, dated May 23, 2006,” ang nakasaad sa proklamasyon.

Taong 2010 nang magpahayag ang pamilya ni FPJ na nakahanda na silang tanggapin ang plake at medalya na nagdedeklara sa tinaguriang ‘King of Philippine’ movies bilang National Artist for Films na iginawad dito noong pang 2006.

Bagaman kasama si Poe sa mga hinirang ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang Pambasang Alagad ng Sining noong 2006, tumanggi naman ang kanyang pamilya sa pangunguna ng asawa nito na si Susan Roces na tanggapin ang parangal na iginawad sa Malacanang.

Sinabi noon ni Susan na hindi niya matatanggap ang parangal mula kay Arroyo dahil ayaw nilang masira ang importansiya ng parangalan.

Ang naturang pagkilala kay FPJ ay mabahiran ng pulitika dahil naging katunggali nito sa panguluhang halalan ang dating lider.

Naging mahigpit na kalaban ni Arroyo sa kontrobersiyal na May 2004 presidential elections si Poe. Halos pitong buwan matapos ang halalan at idineklarang panalo si Arroyo, pumanaw ang tinaguriang “Da King” noong Disyembre 2004 dahil sa sakit.

Matatandaang, pinasinayaan ng mga commemorative stamp na nagpapakita ng mga nagawang pelikula ni FPJ. Kasama rin sa pinasinayaan ang disenyo ng iba pang national artist.

“We have accepted, the honor given to him by his fellow artists, kabi-kabila naman ang magagandang alaala na ibinigay kay PFJ,” ayon kay Susan.

Samantala, iginawad naman ni Pang. Aquino ang pinakamataas na parangal na Grand Collar of the Order of the Golden Heart, sa tinaguriang “King of Comedy” na si Rodolfo “Dolphy” Quizon kahit pa ang sinuportahan nito sa nakaraang halalan ay katunggali niyang si Sen. Manuel Villar Jr.

Inaasahan naman na susunod na matatanggap ng pamilya Quizon ay ang national artist award.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply