Pagkansela sa lisensiya ng bus drivers inalmahan

HINDI pa man naipatutupad ang planong pagpapakansela ni Metro Manila Development (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa Department of Transportation and Communications (DOTC) at Land Transportation Office (LTO) sa lisensya ng lahat ng bus drivers sa Metro Manila ay inalmahan na ito.

Ayon sa bus drivers, hindi lahat ng kanilang kauri ay walang disiplina sa pagmamaneho.

Kaya kung lahat ng bus drivers ay tatanggalan ng lisensiya, paano na lang anila ang ibubuhay nila sa kani-kanilang pamilya.

Layon ng planong aksyon ni Tolentino ay para masala ang matitinong drayber sa mga barubal dahil na rin sa tumataas na kaso ng road accident na kinasasangkutan ng mga iresponsableng tsuper ng bus.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply