Pagkausap ni PNoy kay de Lima, hindi ‘basbas’ sa pagka-CJ

HINDI pasaporte ng isang opisyal na nominado bilang susunod na Chief Justice ng Korte Suprema ang makausap lamang si Pangulong Benigno Aquino III.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na dadaan ang lahat ng nomindao sa butas ng karayom ng Judicial and Bar Council (JBC) at walang paiiraling palakasan system.

“You cannot have an assurance because she has to go through the JBC interview, screening. Remember, the President—and some of you were with the President in London, the President mentioned that he has not spoken with Secretary Leila de Lima. So I think that was an opportunity for them, brief opportunity for them, to talk about it. But certainly ang sinabi lang ni Pangulo is ‘kung ano ang desisyon mo, rerespetuhin ko.’ And so there is no assurance here. We are going through, rather, Secretary Leila de Lima is going through the process of being screened by the Judicial and Bar Council as <with> any other nominee,” anito.

Tinuran ng opisyal na kung sakali man na nag-usap sina Pangulong Aquino at Sec. de Lima bago pa tanggapin ng huli ang nominasyon ay hindi nangangahulugan iyon na may”basbas” ng Punong Ehekutibo ang naging desisyonng Kalihim.

“Nag-usap lang sila na kung anong desisyon. Obviously the statement of Secretary Leila de Lima was that she is going to take up the challenge and so she is willing to be examined by her peers and there was no approval from the President.The President just told Secretary De Lima that he will respect whatever decision that she will make,” ani Lacierda.

Sa kabilang dako, hindi naman paglabag sa naging kautusan ni Pangulong Aquino ang naging desisyon ni de Lima na tanggapin ang kanyang nominasyon sa iniwang posisyon ni Corona.

Iyon aniya sa kabila ng sinabi ng Pangulong Aquino sa kalihim na manatili sa pagiging kalihim ng Justice Department.

“There’s no such thing as disobedience there because obviously there was a nomination process. And I think a lawyer—this has always been a common statement of any lawyer—one of the dreams of a lawyer is to be a Chief Justice for any lawyer. There are very few who would not want to be Chief Justice, myself included, but it’s an honor to be nominated as Chief Justice,” ang pahayag ni Sec. Lacierda.

Ayaw namang patulan ng Malakanyang ang naging pahayag ni  Atty. Ferdinand Topacio, isa sa legal counsels ng kampo ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo  na “adding insult to injury”  dahil hindi naman sekreto ang naging hakbang nito na patalsikin sa posisyon si Corona.

“I don’t know how you could say adding insult to injury. She was not a main player in the impeachment trial. She was just one of the witnesses also cross-examined by the defense. So it’s not a… Well, Ferdie would like to say his piece and so we will leave it at that. But certainly it has still… She <still has> to go through the process of screening. So let’s wait for that,” ang pahayag ni Sec. Lacierda.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply