Pagkondena ng NPC sa DOJ, suportado ng mga mamamahayag sa Region 1

VILLASIS, Pangasinan – Suportado ng mga mamamahayag sa Region 1 ang  pahayag pagkondena ng National Press Club of the Philippines (NPC) hinggil sa pag papalayas ni Department of Justice Secretary Leila De Lima sa dalawang antigong samahan ng mga reporters sa gusali ng nasabing ahensya ng gobyerno.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Virgillo Maganes, reporter at columnist ng lokal ng pahayagang Northern Watch, hindi umano makatarungan sa mga reporters ng DOJ sa mungkahing paalisin sila sa main building ng justice department na nakatalaga sa Padre Faura St., Manila.

Ayon kay Maganes, ang pagpapalayas sa dalawang organisasyon ng mamamahayag sa nasabing ahensya ay isang indikasyon upang may mga isyung hindi dapat malaman ng publiko.

Nagpahayag si Secretary De Lima na palayasin ang Justice and Courts Reporters Association (JUCRA) at Justice Reports Association (JUROR) dahil umano’y banta na ito sa seguridad (threat to security).

Nagpahayag ng pag kadismaya ang NPC sa pamumuno ng Benny Antiporda hinggil sa proposal ni De Lima na paalisin ang dalawang press organizations.

Ayon kay Antiporda, ang pag aalis sa dalawang press organization sa DOJ ay isang indikasyo sa pag sasakal sa kalayaan ng mamamahayag.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply