Paglalayag sa karagatan mapanganib pa – PAGASA

NAGBABALA ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na mapanganib pa rin ang paglalayag at pagbibiyahe sa mga karagatan ng bansa.

Sinabi ni PAGASA Administrator Nathaniel Servando na maliban sa mga lugar na direktang apektado ng bagyong Gener, mapanganib pa rin ang paglalayag sa ibang sea board ng Luzon at Visayas dahil sa Hanging Habagat na pinaiigting ng bagyo.

Ayon sa Gale warning na inilabas ng PAGASA, magiging ‘rough to very rough’ ang kondisyon ng mga karagatan at maglalaro sa pagitan ng 3.4 hanggang 5.5 metro ang taas ng mga alon.

Ayon kay Servando mananalasa sa Metro Manila ang shallow low pressure area (SLPA) sasabayan ng Hanging Habagat na pinaigting ng bagyong Gener.

Ayon kay Servando ang dahilan ng mala-bagyong naramdaman sa Metro Manila noong linggo ng gabi ay bunta ng SLPA.

Sinabi ni Servando na ilang oras lamang nanatili ang SLPA at naglabas naman sila ng advisory ilang oras bago ito naramdaman

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply