Paglaya ni CGMA ‘di tatagal

AMINADO ang pamilya ni dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na posibleng hindi rin magtagal ang kalayaan ni CGMA.

Ito ang dahilan ayon kay Camarines Rep. Dato Arroyo na sasamantalahin ng kanilang pamilya na makapiling ang kanilang ina matapos itong makalabas sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Ayon kay dato, hindi aniya maaring isantabi ang katotohanan na posibleng pansamantala lang ang kalayaan ng kanilang ina dahil gagawin lahat umano ng gobyerno ang paraan upang maibalik ito sa bilangguan.

Sa kabila nito masaya aniya ang kanilang buong pamilya dahil masyado silang nasabik bunsod sa matagal na pagkawalay ng kanilang ina lalo na umano ang mga apo nito.

Lahat umano ng mga anak at apo ng dating pangulo ay  natulog sa bahay nito sa La Vista , Quezon city matapos ang isang simpleng salo-salo kagabi.

Samantala, kinumpirma naman ni Elena Bautista-Horn tagapagsalita ng dating pangulo  na nagtungo  na ito sa Tagaytay upang subukan ang alternative medicine para sa mabilis nitong paggaling.

Ang nasabing alternative medicine ay inirekomenda umano kay Arroyo ng kanyang kapatid  dahil nagbabakasakali ito na mas bumuti pa ang pakiramdam matapos ang tatlong operasyon.

Sinabi pa ni Horn na kung paiiralin lamang ang tamang proseso ng batas ay nakatitiyak ang kampo ni CGMA na mapapawalang-sala ito sa kasong plunder dahil mahina aniya ang mga ebidensya.

Ganito rin aniya ang sitwasyon sa Pasay City Regional Trial Court na nakapagpiyansa ang dating pangulo sa kasong electoral sabotage dahil sa kahinaan rin ng iniharap na ebidensya.

Idinagdag naman ni Bautista-Horn na gusting gusto na ring makabalik ng dating pangulo sa kamara upang makapag trabaho na ito subalit pinayuhan umano nila ito na asikasuhin muna ang pagpapagamot.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply