Paglaya ni GMA pinaboran ng obispo

APRUB sa isang Catholic bishop ang pagbibigay ng pahintulot ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 112 na makalaya si dating Pangulo at Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo.

Si CGMA ay matatandaang nakalabas na mula sa walong buwang pagka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) matapos makapaglagak ng P1 milyong piyansa sa hukuman kaugnay sa kinakaharap na kasong electoral sabotage.

Ayon kay Cotabato Auxiliary Bishop Jose Colin  Bagaforo, karapatan ng sinuman na ma-avail ang remedies ng korte kaya wala siyang nakikitang masama kung nakapaglagak man ng piyansa ang dating pangulo.

Binigyang-diin pa ni Bagaforo na ang lahat ay dapat na ituring na inosente hanggang hindi napapatunayan sa hukuman na nagkasala ito at may karapatan din aniya sila na maipagtanggol ang kanilang mga sarili.

Sinabi pa ni Bagaforo na nararapat lamang na makalabas at mamuhay ng normal bilang tao si CGMA dahil hindi pa naman napatunayan ng korte na guilty siya sa kasong isinampa sa kanya.

Naniniwala naman ang Obispo na hindi magiging “setback” sa justice system at sa administrasyong Aquino ang paglaya ni Arroyo mula sa hospital arrest.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply