Paglilipat ng klase sa Setyembre, pinag-aaralan

MASUSING pinag-aaralan na ng Department of Education (DepEd) ang planong ilipat ang pagbubukas ng klase mula sa Hunyo sa Setyembre upang makaiwas ang mga mag-aaral sa panahon ng tag-ulan at pagbaha.

“May I quote Brother Armin (Luistro) when I asked him? “We are discussing with PAGASA data on weather patterns the past years to be able to make a more evidence-based decision on whether it is wise to move the opening of the school year to September. We are looking also at the effect of summer heat on classes. At this time, we don’t have a definitive stand on the matter. Pinag-aaralan pa,” ayon kay Sec. Lacierda.

Wala namang ideya si Sec. Lacierda kung gaano kaseryoso ang DepEd sa ginagawa nilang pag-aaral sa bagay na ito lalo pa at nagkakaroon ng turuan sa kung sino ang dapat na mag-anunsyo ng walang pasok o suspensyon ng klase kapag may bagyo sa bansa.

Matatandaan tila nag-iwas pusoy ang Department of the  Interior and Local Government (DILG) sa nangyaring sisihan ng mga mag-aaral at mabagal na aksyon at anunsiyo ng mga lokal na opisyal sa Metro Manila para sa class suspension sa nangyaring mga pag-ulan at pagbaha.

Sa ulat, nanindigan si DILG Sec. Jesse Robredo  na hindi dapat na iasa na lamang sa mga media at lokal na pamahalaan ang pag-alam kung may kanselasyon ng klase ngunit nararapat din umanong magkaroon ng inisyatibo ang isang mag-aaral na malaman at makialam sa pamunuan ng kanilang mga eskwelahan.

Kaugnay nito, personal na nakipagpulong si Robredo kay Education Sec. Armin Luistro para sa gagawing hakbang partikular na ang pag-activate ng barangay unit, lokal na pamahalaan ng isang lungsod at pamunuan ng bawat eskwelahan na apektado upang hindi na maulit pa ang sisihan sa tuwing may ganitong klase ng sitwasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply