Pagnanakaw ng janitor ng postal office buking sa CCTV

HULI sa CCTV camera ang isang janitor sa Philippine Postal Office-Pasay City na binubuksan nito ang package mula sa ibang bansa.

Kitang-kita sa camera ang janitor na si Rolando Magundayao, 28, na inihahalo nito ang isang package mula sa Japan sa kanyang mga nakolektang basura na naglalaman ng mga tsokolate, dalawang piraso ng 10,000 yen at dalawang pirasong 1,000 yen.

Inihayag naman ni Magundayao na may isa pa siyang kasabwat na janitor at dalawang casual employees ng Phil. Post sa pagbubukas ng mga pakete na galing sa ibang bansa.

Napag-alamang, apat na taon nang naninilbihan sa Phil. Post si Magundayao bilang janitor pero Abril lang aniya nang siya’y sumali sa iligal na gawain at natukso lang umano siya ng mga hindi pa pinangalanang kasabwat.

Nakatakdang sampahan ng kasong qualified theft si Maundayao kasama ang kanyang mga sinasabing kasabwat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply