Pagpaayuda sa US ni PNoy oks sa oposisyon

SUPORTADO ng oposisyon sa Kamara si Pangulong Noynoy Aquino sa plano niyang paghingi ng tulong sa Estados Unidos upang mabantayan ang Panatag Shoal.

Ani House Minority Leader Danilo Suarez, ito lamang ang tanging paraan upang mapatatag ang territorial claim ng bansa sa Panatag Shoal dahil wala naman talaga umanong kapasidad ang gobyerno upang gawin ito.

Aniya sapat na ang isang spy plane ng US upang mabantayan hindi lamang ang Panatag Shoal kundi ang malawak na teritoryo ng bansa.

Giit pa ng kongresista na kailangang humanap ng ganitong paraan ang gobyerno dahil ang seguridad ng bansa ay walang tag price at hindi negotiable.

Ganito rin ang pahayag ni ANAD Partylist Rep. Pastor Alcover na nagsabing panahon na upang magpasaklolo ang bansa sa mga kaalyadong tulad ng Amerika para umiral ang balance of power sa gitna ng iringan sa Panatag Shoal.

Ani Alcover,  kung hindi ito gagawin ng gobyerno ay hindi naman titigl ang China sa pangbu-bully sa Pilipinas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply