Pagpapabalik ng barko sa Panatag pag-aaralan

HANGGANG ngayon ay pinag-aaralan pa rin ng Malakanyang kung ibabalik pa ng gobyerno ang mga Philippine ships sa Panatag shoal.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda na nananatili ang kanilang posisyon na hintayin muna ang masusing pag-aaral ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na hangga’t may nagbabantang bagyo ay hindi ibabalik ang mga sasakyan ng Pilipinas sa Panatag Shoal at ayaw namang paigtingin ng gobyerno ang tensyon doon.

“Our policy is to de-escalate tensions. Again, pinag-aaralan pa kung ibabalik ang mga sasakyang dagat. Again, wala pang decision. Hindi ho tayo maglalagay ng ating cutter, that’s the reason why in a first place inatras po ‘yung ating Navy cutter doon e. That’s why we based in that Coast Guard and the BFAR. But again, there is no decision yet on that matter. Our policy right now is that we believe that it is best not to escalate tensions in the area,” ani Lacierda.

Naniniwala naman ang Malakanyang na hindi na kailangan pa ng pamahalaan na magpalabas ng Plan B sa isyung ito.

“It was a broad decision e. It’s a broad strategy so there were no specifics as to, for instance, we need to get a communiqué from ASEAN, walang ganoong pinag-usapan. We are not hampered by the absence of a joint communiqué. It certainly would have helped us but we are not hampered by the absence of the joint communiqué,” aniya pa rin

Sa ulat, nagpahayag ng pagka-alarma ang Pilipinas sa “creeping imposition” na ginagawa ng China sa pag-aangkin ng teritoryo sa West Philippien Sea.

Iniulat ni Foreign Affairs spokesperson Raul Hernandez na maliban sa Chinese fishing fleet sa bahagi ng Spratlys, may namataan din ang Philippine Coast Guard ng 19 na mga Chinese vessels sa Scarborough Shoal, sa karagatan ng Masinloc, Zambales.

Aniya, noong nakaraang Biyernes lamang ay tatlong government vessels at dalawang fishing boats ang nakita sa labas ng lagoon habang dalawang speed boats at 12 maliliit na bangka ang nasa loob naman ng shoal.

Sinabi ni Hernandez, malinaw na paglabag umano ito sa naunang kasunduan ng China at Pilipinas na bawal ang pagpasok ng alinmang barko mula sa dalawang panig sa loob ng lagoon.

“Last week, as of Friday of last week, mayroon tayong nakitang tatlong government vessels outside of the lagoon at mayroong dalawang fishing vessels, also outside of the lagoon. Pero mayroong nakita sa loob ng lagoon, ng dalawang speedboat at 12 maliliit na bangka,” ayon sa ulat ng opisyal.

Binanggit din ng tagapsalita ng DFA ang naunang pahayag ni Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario na umano’y aggressive infringement ng China sa maritime domain ng Pilipinas.

“Nakikita niyang mayroong agressive infringement iyong Chinese sa ating mga maritime domain at ating mga teritoryo, kasama na dito iyong ating mga exclusive economic zone. Parang mayroong creeping imposition of their claims in the South China Sea,” ani Hernandez.

Umaasa naman si Hernandez na muling mabubuksan ang negosasyon ng dalawang bansa para sa ikareresolba ng problema.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply