Pagpapalaya ng mga detenidong politikal, hiniling ng mambabatas

NANAWAGAN si Anakpawis congressman Rafael Mariano sa gubyernong Benigno Aquino na kagyat nang palayain ang higit tatlong daan at limampung detenidong politikal sa bansa.

Sinusuportahan din ng progresibong mambabatas ang nakatakdang hunger strike ng mga political prisoner ilang araw bago ang pangatlong state of the nation addresso SONA ni Pangulong Aquino.

Ayon kay Mariano, isa ito sa sisingilin sa administrasyon sa darating na SONA.

Partikular na ipinanawagan ni Mariano ang pagpapalaya sa mga manggagawa at magsasaka na pinakarami ang bilang sa mga political prisoner.

Dagdag ni Mariano, ang mga magsasaka, manggagawa at maralita ang madalas na biktima ng pinakaraming bilang ng mga paglabag sa karapatang pantao.

Bukod sa mga ilegal na inaresto at ikinulong noong nakaraang administrasyong Arroyo, nagdagdag pa raw ng mas maraming political prisoner ang kasalukuyang gubyerno ni Aquino.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply