Pagpapalaya sa 3 opisyal ng VPO, AFP bahala – Lacierda

BAHALA na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na resolbahin ang demand ng New People’s Army (NPA) na dumukot sa tatlong opisyal ng VPO Mining Company sa Rosario, Agusan del Sur.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda , ipinaubaya na niya sa AFP kung paano lulutasin ang problema kasama ang local crisis committee.

Matatandaang  humihirit ang mga rebelde na paalisin ang mga sundalong nakadeploy sa nasabing lugar.

Sinabi ng opisyal na tatratuhin umano ng gobyerno ang pagdukot tulad sa ibang kaso ng kidnapping sa bansa.

Sa kabilang dako, siniguro naman ni Sec. Lacierda na in-place ang internal security plan para mabuwag ang NPA at hindi na makapagsagawa ng anumang pag-atake sa mga sibilyan.

“I will leave that with the Defense and Security agencies. The internal security plan is in place. As to how they handle on the specific matter, I cannot comment on that. Well, we will do as how we attend to any kidnapping. The AFP is on top of that,” ayon kay Sec. Lacierda.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply