Pagpapalayas sa 2 press corps sa DOJ, sisiyasatin ng kamara

MANGHIHIMASOK na rin ang Kamara sa lantarang pagpapa-alis sa dalawang press groups sa mga opisina nito sa loob ng Department of Justice o DOJ.

Sinabi ni House Committee on Public Information at Eastern Samar Rep. Ben Evardone na makikipag-pulong siya sa mga opisyal ng National Press Club o NPC, Justice Reporters Organization o JUROR at Justice and Court Reporters Association o JUCRA ukol sa nasabing isyu.

Pagpapaliwanagin din ni Evardone ang DOJ at National Intelligence Coordinating Agency o NICA kung paano nasabi ng mga ito na ‘banta sa seguridad’ ang mga mamamahayag na nagko-cover doon.

Ayon kay Evadorne, na dating reporter sa isang broadsheet, marapat na alamin ang tunay na rason ng pag-evict sa DOJ press groups, na kinikilala doon ilang dekada na.

Nauna nang ipinaliwanag ng DOJ na ang dahilan ng ‘eviction’ ay ang umano’y leakage sa isang report laban kay Bureau of Corrections Director Gaudencio Pangilinan at iba pang opisyal ukol sa renovation project sa New Bilibid Prison.

Dahil dito, inirekomenda ng NICA ang pagpapa-alis sa JUCRA at JUROR sa kanilang opisina sa 2nd floor ng main building ng DOJ, at ilipat daw sa ibang lugar.

Hindi naman ikinakaila ni Justice Secretary Leila de Lima ang aksyon ito ng kagawaran at aniya’y tuloy ang pagpapaalis sa dalawang press corps sa naturang gusali sa kabila ng kabi-kabilang pagtutol dito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply