Pagpapalipad ng US spy plane, ‘di dapat ikabahala – M’canang

NILINAW ng Malakanyang na nagmamatapang at naghahamon si Pangulong Benigno Aquino III sa naging pahayag nito na nais niyang magkaroon ng US spy planes sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Communications Sec. Ricky Carandang, nabanggit lamang ng Pangulo ang “overflights” ng US spy planes bilang isa sa mga opsyon para mapalakas ang monitoring capability.

Nauna nang umalma ang China at muling nanawagan sa Pilipinas na iwasan ang mga provocative statements.

Binigyang diin ni Chinese Foreign Ministry spokesman Liu Weimin na hindi nakakatulong sa sitwasyon ang mga provocative comments ng Philippine side.

Sinabi ni Sec. Carandang na maaring “taken out of context” ng Chinese government ang statement ng Pangulo at dapat na-countercheck muna ang mga facts.

Tinuran pa rin nito na hindi dapat tingnan ng China ang pahayag ng Pangulo bilang provocation dahil walang kakayahan ang Pilipinas na magsagawa ng pag-atake.

Binigyang diin ng opisyal na walang isyu at hindi dapat ikabahala ang paglipapd ng US spy planes sa ating teritoryo sakaling ito’y matuloy.

Hindi rin, aniya, kailangan ng bagong tratado sa ganitong hakbang dahil bahagi ito ng commitment ng US government na tulungan ang Pilipinas sa monitoring at pagdepensa sa soberenya/teritoryo.

“It should not be viewed as a provocation,” ang pahayag ni Sec. Carandang.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply