Pagpapasabog sa parking lot ng NHA patuloy na iniimbestigahan

PATULOY pa rin iniimbestigahan ng mga awtoridad ang naganap na pagpapasabog ng granada sa parking lot ng National Housing Authoriy (NHA) Diliman, Quezon City na naganap kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Eng’g. Vic Balba, NHA NCR manager pinag-aaralan pa ng NHA ang naganap na pagpapasabog at inaalam kung sino ang nasa likod nito.

Sa isang panayam sa telebisyon kay Balba, kumpirmadong galing sa labas ng compound ng NHA ang naturang granada na inihagis sa parking area ng ahensya dakong 6:00 ng umaga mula sa suspek na nakasakay sa taxi at ibinato sa loob.

Sinabi sa ulat na aabot sa apat na sasakyang nakaparada ang napinsala sa naganap na pagpapasabog.

Kinumpirma ng mga tauhan ng Quezon City Police District na isang granada ang sumabog sa naturang parking lot ng NHA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply