Pagpasok ni ‘Ferdie’ sa PHL, todo-bantay

DAHIL malaki ang posibilidad na maging ganap na isang bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Central Luzon, bantay-sarado na agad ito ngayon sa state weather forecasters.

Ayon kay Pagasa weather forecaster Aldczar Aurelio, sa ngayon ay nanatili pa rin ang LPA sa 1,030 kilometro sa silangan ng Central Luzon.

Bagama’t malayo pa ito para makaapekto sa Pilipinas, pero pinapa-igting na ng LPA ang epekto ng southwest monsoon o habagat sa Central Luzon.

Sakali naman aniyang maging bagyo ito at papasok sa Philippine area of responsbility, tatawagin itong bagyong “Ferdie.”

“Once the LPA develops into a tropical depression and enters the Philippine territory, it will be named “Ferdie”, and will be the sixth weather disturbance to enter the country’s area of responsibility this year,” ayon sa opisyal.

Bunsod nito, muling pinapayuhan ang mga residente ng mga apektadong lugar na paghandaan ang posibleng pagbaha at landslides.

“Southern Luzon, Visayas and Mindanao will experience mostly cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms becoming cloudy with widespread rains over the eastern section of Visayas and Mindanao which may trigger flashfloods and landslides.”

Pinaalalahanan din ang mga maliliit na sasakyang pandagat na mag-ingat sa posibleng paglaki ng mga alon sa karagatan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply