Pagsala ng JBC sa mga nominado sisimulan na ngayong araw

SISIMULAN na ngayong araw (July 3) ng Judicial and Bar Council (JBC) ang pagsala sa may 70 nominado sa nabankeng puwesto ni dating Chief Justice Renato Corona.

Sinabi ni Atty. Milagros Cayosa, kinatawan ng Integrated Bar of the Philippines sa JBC, isa-isa na nilang susuriin ang lahat na mga nominado kung nakapasa sa minimum requirement.

Ayon pa kay Atty. Cayosa, dapat ang mga nominado ay Filipino Citizen, may edad na mababa sa 70-anyos at 15 taon nang nakapagpapraktis ng abogasya.

Nakatakda namang ilabas ng JBC ang listahan ng mga opisyal na nominado sa Hulyo 6 habang sa Hulyo 24 naman sisimulan ang panel interview.

Sina Senior Associate Justice Antonio Carpio, Associate Justices Arturo Brion, Presbitero Velasco Jr., Teresita Leonardo de Castro, Roberto Abad, Maria Lourdes Sereno at Justice Secretary Leila de Lima  ay kabilang sa 25 na tumanggap sa nominasyon base na rin sa tala ng JBC.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply