Pagsasabatas ng RH, tinuldukan ni Enrile

TINULDUKAN na ni Senate President Juan Ponce Enrile ang pag-asang maipasa ang kontrobersiyal na Reproductive Health bill matapos magbantang magkaroon ng problemang panlipunan kapag ipinilit ang pagsasabatas ng panukala.

Sa panayam, sinabi ni Enrile na malamang magkaroon ng problemang panglipunan sakaling maipasa ang RH bill na hindi masusing naidaan sa tamang proseso at paghimay ng Kongreso sa panukala.

“With the threat from the Church, yan ang nakikita natin na problema, it will cause a social problem,” sinabi ni Enrile.

Sinabi pa ni Enrile na nagkakamali ang mga naghain ng RH bill na napapanahon na pagbotohan dahi hinog na ang panukala.

“Hinog na para botohan sa kanila, hinog na pero sa amin, hindi pa hinog, hindi naman saging iyan na nahihinog o mangga na nahihinog na umaalingasaw,” aniya.

Aniya, dapat maghintay-hintay ang mga naghain ng panukala, sina Sen. Miriam Defensor-Santiago at Pia Cayetano, kung makalulusot o hindi ang RH bill sa plenaryo dahil marami pang dapat linawin kabilang ang pondong gagamitin ang sistema ng implementasyon.

Sinabi ni Enrile na kanyang pinag-aralan ang kondisyon at karanasan ng ibang bansa na mayroon RH law kaya marapat lamang na maghinay-hinay ang dalawang senador sa pag-aapurang maipasa ang panukala.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply