Pagsasapinal sa CJ nominees tatalakayin ngayon

PAG-UUSAPAN mamayang hapon ng konseho ng Judicial and Bar Council (JBC) ang pagsasapinal sa listahan ng nominado sa Chief Justice post na isasalang sa public interview bago ito ilathala sa mga ahayagan.

Itinakda naman ang public interview ng mga nominado sa Hulyo 24 hanggang Hulyo 26.

Ayon sa JBC, ilalathala sa dyaryo ang long list ng nominado sa pagkapunong mahistrado ng Korte Suprema upang mabigyan ng pagkakataon ang publiko na nais na magbigay ng komento laban sa mga nominado.

Pag-uusapan din ng konseho kung kailangan ng “additional determination of qualifications and disqualifications” ng mga nominado sa nasabing posisyon.

Sinabi naman ni Atty. Milagros Fernan-Cayosa, miyembro ng JBC, na nagbigay din sila ng sariling deadline upang makapagsumite kay Pangulong Benigno Aquino III ng listahan ng mga nominado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply