Pagsusulong ng Cha-Cha, pinaboran ng obispo

PABOR ang isang Obispo ng Simbahang katolika sa panukala ni Senate President Juan Ponce Enrile na isulong na ang Charter Change o CHA-CHA sa bansa.

Ayon kay Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso, miyembro ng CBCP Permanent Council, dapat lumikha ang kongreso ng mga polisiya na makakahatak nang mga mamumuhunan sa bansa.

Sinabi rin ng Obispo na dapat magpasa rin ng mga panukalang batas na magbibigay ng proteksyon at incentives sa mga dayuhang negosyante.

“Well, nakikiisa tayo diyan kay Senate President Enrile na dapat talagang amyendahan na ang ating Saligang Batas. Dapat talaga maging friendly ang mga economic policy natin. Dapat lumikha tayo ng mga polisiya na magkakaloob ng incentives sa mga dayuhang negosyante at pagkalooban din sila ng sapat na proteksyon para mas marami ang mahikayat natin na pumunta at maglagak ng negosyo sa bansa!”- bahagi ng pahayag ni Bishop  Medroso sa panayam ng Radyo Veritas.

Una nang iginiit ni Senate President Juan Ponce Enrile na napapanahon na upang isulong ang Cha-Cha lalo pa’t napag-iiwanan na ang Pilipinas sa mga bansa sa mundo sa usapin ng pagpapaunlad ng ekonomiya.

Sinabi ni Bishop Medroso na maraming probisyon sa Saligang Batas at iba pang polisiya na masyadong mahigpit sa mga foreign investors na siyang dahilan kung bakit hindi ibinubuhos ng mga dayuhang negosyante ang kanilang negosyo sa bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply