Pagtaas ng singil sa tubig simula na sa Hulyo 28

SISIMULAN na sa Hulyo 28, ang pagsirit ng singil sa tubig na sineserbisyuhan ng Manila Water.

Batay sa inilabas na anunsyo ni Manila Water spokesman Jeric Sevilla, na P4 ang itataas sa singil sa tubig sa mga kumokonsumo ng 20 cubic meters na mula sa dating P299 singil kada buwan ay aabot na ito sa P303.

Para naman sa mga kumokonsumo ng 30 cubic meters, P9 ang madadagdag sa bayarin sa tubig kung saan mula sa dating P608 ay aabot na ito sa P617.

Samanatala, sinabi ni Sevilla na exempted naman sa naturang dagdag singil sa tubig ang mga kumokonsumo ng 10 cubic meters na tubig kada buwan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply