Pagtakbo ni GMA, kinumpirma ng kanyang abogado

KINUMPIRMA ng isa sa mga abugado ni dating pangulong Arroyo ang naging pahayag ni Elena Bautista-Horn ang tagapagsalita ni GMA na muli itong tatakbo bilang kongresista sa ikalawang distrito ng Pampanga sa susunod na eleksyon

Sa isang pulong-balitaan na ginanap sa Quezon City kahapon, sinabi ni Atty Ferdinand Topacio na tuluy-tuloy na ang re-election bid ni Congw.GMA na tatakbo sa ilalim pa rin ng Partido LAKAS.

Nasa likod pa rin, aniya, ng dating pangulo ang kanyang mga kababayan na napatunayan sa mainit na pagtanggap sa kanya ng bumalik sa kanyang lalawigan.

Ayon pa kay Topacio kahit na dumating pa sa puntong mangibabaw ang impluwensya ng Malakanyang na hindi tumitigil sa paggawa ng paraan upang maibalik sa hospital arrest ang dating pangulo, ay hindi na ito magiging hadlang pa sa pagtakbo nitong muli sa kongreso .

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply