Pagtakbong muli ni GMA, minaliit ng Malakanyang

MINALIIT lamang ng Malakanyang ang pahayag ng abogado ni datingpangulo at ngayo’y Pampanga Reprepresentative Gloria Macapagal Arroyona muli itong tatkbo bilang kongresista sa ikalawang distrito ngPampanga sa 2013 elections.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na karapatannaman ng mga Pilipino na tumakbo para sa kahit anong posisyon sagobyerno at kabilang na rito si Gng. Arroyo.

Ayon kay Valte, inaayos pa rin ng Liberal Party ang kanilang mgakandidato kaya hindi pa tiyak kung mayroong magiging kalaban si Arroyosa kanyang posisyon.

Nitong nakaraang Biyernes sinabi ni Atty Ferdinand Topacio natuluy-tuloy na ang re-election bid ni Congw.GMA na tatakbo sa ilalimpa rin ng Partido LAKAS.

Nasa likod pa rin, aniya, ng dating pangulo ang kanyang mga kababayanna napatunayan sa mainit na pagtanggap sa kanya ng bumalik sa kanyanglalawigan.

Ayon pa kay Topacio kahit na dumating pa sa puntong mangibabaw angimpluwensya ng Malakanyang na hindi tumitigil sa paggawa ng paraanupang maibalik sa hospital arrest ang dating pangulo, ay hindi na itomagiging hadlang pa sa pagtakbo nitong muli sa kongreso .

Samantala, sinabi naman ng Malakanyang na hindi naman itinuturing nahamon si Mrs. Arroyo sa ‘manok’ ng administrasyon na ilalaban sapagka-kongresista sa distrito nito.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply