Pagtugis sa high profile fugitives, tiniyak

PATULOY na susubaybayan ng Department of Justice (DOJ) ang paghahanap ng mga awtoridad sa mga itinuturing na high profile fugitives.

Ito ang tiniyak ngayon ni Justice Secretary  Leila de Lima.

Ang pagtugis kay  Delfin Lee, may-ari ng Globe Asiatique Realty Corporation at  akusado sa P7-B syndicated estafa case ay isa sa tinukoy ng kalihim.

Aniya, hindi tumitigil ang Philippine National Police  at National Bureau of Investigation  sa pagtugis sa mga nagkasala sa batas.

Ang pagbuo ng special  task force na pinamumunuan ng PNP ay patunay aniya para tugisin ang mga nagkasala sa batas.

Ang naturang  Task Force ayon kay de lima ay pinamumunuan ni  CIDG  Director Chief Supt. Sammuel Pagdilao.

Sinabi pa ni de Lima na kahit sumalang sya sa interview process sa  judicial and bar Council  ay hindi siya hihinto sa pagtatrabaho bilang Secretary of Justice.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply