Pakiusap ng pamilya ‘di nasunod: Kabaong ni Dolphy pinagpiyestahan sa internet

HINDI nagustuhan ng libu-libong netizens ang mga larawang nakabalandra sa internet kaya umani ito ng negatibong reaksyon. Anila, hindi dapat na isinapubliko pa ang bronze casket na kinahihimlayan ni Dolphy kung saan nakita pa ang mukha ng Comedy King habang ito ay nakaburol sa Dolphy Theater sa ABS-CBN. Hindi raw magandang tingnan ito at kawalan ng respeto sa namayapa.

Gayunman, may mga nagsasabi naman at nagpapasalamat dahil iyong mga hindi makapupunta at makadadalo sa public viewing ni Mang Dolphy na kasalukuyang nangyayari ngayon sa The Heritage Park sa Taguig ay nagkaroon daw nang pagkakataong masulyapan ang dinadakilang komedyante.

Nagsimula umano ang pagkalat ng mga larawan sa social media at iba’t ibang social networking sites nang ipakita sa ANC sa kanilang news program ang burol ng Hari ng Komedya at dahil dito, nakopya ito at nagpasalin-salin.

Well ang respeto naman ay nasa puso ng bawat tao, depende na lamang ito kung sa papaanong paraan natin ipakikita ito. Ang mahalaga, mahal natin si Tito Dolphy.

Anyway, pinaaalala sa publiko na mahigpit pa ring ipinagbabawal na magdala ng digital cameras o video cameras sa loob ng viewing room ng mga labi ni Dolphy sa Heritage.

***

Pag-uusap nina Sen. Chiz at Heart ‘di matapos-tapos

PATULOY ang mga sightings (Hahaha!) sa magsing-irog, este, sa magkaibigang Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista. Kamakailan ay naaktuhan na naman sila ng publiko sa Rastro restaurant sa Burgos Circle, Fort Bonifacio habang lumalafang. Kaylan din lang ay nakita silang magkasama sa Greenbelt 5.

Tuloy, hilong-hilo na ang iba sa kaiisip kung ano ba talaga ang tunay na relasyon ng dalawa. Sila ba’y friends lang o magsyota na? Meron ba silang pinag-uusapan na hindi matapos-tapos at ito ba ay may kaugnayan sa nalalapit na eleksyon sa pagtakbo muli ng senador sa Senado?

***

Mensahe ng GMA,ABS-CBN at TV5 sa pagkamatay ni Dolphy

BUONG pusong nagpahatid ng kanilang mensahe ang tatlong malalaking network sa bansa sa pagkamatay ng Commedy King na si Dolphy.

Narito ang mensahe ng ABS-CBN sa pamamagitan ni Bong Osorio, Head of ABS CBN Corporate Communications:

“ABS-CBN mourns the passing of Rodolfo Vera Quizon, Sr., known to all as “Dolphy”, the one and only King of Filipino Comedy.

Remembered as John Puruntong, Kevin Cosme and Pidol among many other names, he remains the symbol of every Juan de la Cruz who loves his children and can make light of life’s trials.

From being a peanut and “butong pakwan” vendor in a movie house to becoming one of the country’s biggest stars, many knew that Dolphy stayed humble and approachable. That is why his life, not just his roles, has been an inspiration to millions.

Dolphy’s first starring TV role was in Buhay Artista produced by ABS-CBN in the 1960s. He became a close and true friend of ABS-CBN’s Chairman Emeritus Eugenio “Geny” Lopez Jr. He would later on become a Kapamilya for more than 40 years.

Today, everyone at ABS-CBN joins his family and the whole nation in remembering his great life and career. Most of his works were huge box office successes, many were award-winning and all are now immortal in the hearts of Filipinos.

We will miss “Tito Dolphy”, an idol, a friend, and already a legend even while he lived.

Ito naman ang statement ng GMA-7 sa pamamagitan ni Kristine H. Paganas:

“Buong pusong nakikiramay ang GMA Network sa pamilya ni G. Rodolfo Quizon Sr.

Malungkot man ang kanyang paglisan, ang buhay ni Dolphy ay nagsisilbing inspirasyon sa buong showbiz industry.

Lubos ang aming pasasalamat sa Hari ng Komedya sa bawat ngiti, halakhak at saya dulot ng kanyang walang kapagurang pagganap sa entablado man, pelikula o telebisyon. Siguradong mas masaya ang langit ngayong nandoon na siya. Ang kanyang pamana ay mananatili sa puso ng bawat Pilipino sa buong mundo.”

Nagpaabot din ng kanilang pakikiramay ang TV5:

“The Management and Staff of TV5 join the whole nation in mourning the passing of our most cherished colleague and one of showbiz’ most revered icons, Dolphy.

For us in TV5, Mang Dolphy forever lives as the symbol of the indomitable joyful spirit of the Filipino.

May the legacy of his laughter sustain us through our trials and triumphs as a people.”

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply