Palasyo walang aasahang shortlist sa JBC sa Lunes

INIURONG ng Judicial and Bar Council (JBC) sa Agosto 2 ang kanilang deliberasyon kaya hindi umaasa ang Malakanyang na makatatanggap sila ng short list para sa mapipiling susunod na Supreme Court Chief Justice sa Lunes (Hulyo 30).

Ayon kay Deputy presidential spokesperson Abigail Valte, marami pang kailangang resolbahin ang JBC kaya inurong ang deliberasyon.

Kahapon ay nagdesisyon ang dalawang Kapulungan ng Kongreso na pansamantalang alisin ang kani-kanilang kinatawan sa JBC  habang kinokonsulta nila ang kanilang mga miyembro sa bagay na ito.

Nag-ugat ang pansamantalang pagpapaalis ng mga kinatawan ng dalawang Kongreso sa JBC dahil sa hindi malinaw at maayos na desisyon ukol kung ilan ang kinatawan Kongreso sa JBC.

Sina Senador Chiz Escudero at Cong. Niel Tupas, Jr. ang mga kinatawan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso sa JBC bilang mga pinuno ng House at Senate justice committees.

Bukod dito, kinuwestiyon ni Senate President Juan Ponce Enrile ang kasalukuyang komposisyon ng JBC, sabay sabing “Constitution was “very clear” that the Chief Justice and not any justice, “not even the acting Chief Justice,” can be the ex-officio JBC chairman. There’s no such thing as an acting Chief Justice as far as that provision of the Constitution is concerned, in the same manner the Senate President Pro Tempore cannot substitute for the Senate President as chairman of the Commission on Appointments.”

Aniya, ang probisyon para sa uupong Chief Justice ay hindi nasunod ng maayos ng JBC habang ang constitutional provision ng Kongreso sa pagkakaroon ng isang kinatawan ay ikinasa.

Dahil dito, iminungkahi ni Senador Enrile kay Pangulong Aquino na ipagpaliban ang pagtatalaga ng susunod na Chief Justice habang may ganitong usapin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply