Palasyo: Pagkakaso sa pulis na humarang sa convoy ipaubaya sa QCPD

BAHALA na ang Quezon City Police District (QCPD) na magsampa ng kaso laban sa pulis na humarang sa convoy ni Pangulong Benigno Aquino III sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nakatakdang magbigay ng report ang Presidential Security Group (PSG) hinggil sa naturang insidente.

Matatandaang nagmatigas si SPO2 Ricardo Pascua na tumabi bagama’t pinakiusapan na siya ng PSG at nagpakilala pang pulis.

Kaya nga, napilitan ang PSG na dalhin sa presinto ang nasabing pulis para sa kinauukulang aksyon at agad namang nilagay sa floating status.

Sinabi ng opisyal na ipinaubaya na nila sa QCPD ang kaso laban kay Pascua  dahil sila ang may hurisdiksyon sa nasabing pulis.

Sa ulat, kinuwestiyon pa ng pulis ang hindi paggamit ng “wang-wang” ni Pangulong Aquino at hindi pagpapahawi sa daan kaya’t hindi niya pinansin ang naturang convoy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply