Palasyo pumalag sa patutsada ng mga Arroyo

PINALAGAN ng Malakanyang ang alegasyon ng kampo ni dating Pangulong Gloria Arroyo na ‘props’ lamang sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Benigno Aquino III ang plunder case sa PCSO fund misuse.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda na matagal ng naisampa ang reklamo laban kay Arroyo at wala itong kinalaman sa SONA ang resolusyon ng Ombudsman.

Nauna rito, sinabi ni Atty. Christian Diaz na gagamitin lamang ng Pangulo ang kaso ng kanyang kliyente sa SONA kasabay ng pagtawag na ‘dark day’ ng rule of law ang nasabing desisyon ng Ombudsman.

Ayon kay Lacierda, wala ding control ang Ehekutibo sa Ombudsman kaya wala silang kinalaman sa timing ng kaso sa Sandiganbayan.

Bukod na kaso rin aniya ang electoral sabotage na kinakaharap ni Arroyo sa Pasay RTC at walang kinalaman sa plunder case sa Sandiganbayan.

Matatandaang tinuran ni Atty. Diaz na nais lang ng Malacañang na mapanatili si Arroyo sa kulungan dahil malakas ang kanilang petition for bail sa Pasay RTC at malapit ng ilabas ang desisyon ng korte.

“That’s very speculative on the part of Atty. Diaz considering that we don’t even know yet whether the petition for bail will be granted. So this was, again, a separate issue, a separate case—one case is for the regional trial court of Pasay City, the other case is before the Sandiganbayan. So there is no relation between the two insofar as imputing that the reason it was filed is in order to detain her longer. That’s not true,” ang pahayag ni Sec.Lacierda.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply