Palasyo: Taas-singil sa kuryente, walang magagawa

NAKATALI ang mga kamay ng pamahalaan sa nakaambang pagtatas na naman sa singil ng koryente.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, labas na sa kanilang kapangyarihan ang ERC na siyang naatasan sa batas na babalanse sa presyuhan ng koryente.

“ERC is not under DOE. ‘Yung Energy Regulatory Commission po ang nagde-determine ng pagtaas o nagiging pagbaba sa presyo ng kuryente natin. So that is something that we will leave to them to explain. But certainly mino-monitor din po natin ito para makita yung nagiging impact and to make sure that kung ano po ba ‘yung nagiging basehan nung decision para tumaas o bumaba ‘yung kuryente,” ayon kay Usec. Valte.

Nauna ng nagbabala si Manila Rep. Maria Theresa David sa maaring tumaas ng P1.32 kada kilowatt hour ang presyo ng kuryente kung aprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang nakabinbing increase petitions.

Sinabi ng opisyal na tanging monitoring ang magagawa ng gobyerno para tiyaking may basehan ang anumang pagtataas sa singil ng koryente.

“Of course, that is something that is continually discussed. The President does make it a point to see. It is just that the ERC is the one that determines the rate hikes and not the DOE, the ERC, of course, as we know is not under the DOE. Pero binabatanyan din po natin ‘yan,” ani Valte.

Nananalig naman ang Malakanyang na magiging mapagmatyag ang ERC at ikonsidera ang hinaing ng mga consumers na tiyak na tatamaan kung matuloy ang power hike.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply