Palpak ba talaga ang Sun?

Ito Ang Totoo: Dapat bayaran sa takdang panahon ang paggamit ng mobile phone services dahil may karapatang magputol ang mga kompanyang ito ang negosyo.

Kaya nang magreklamo sa atin ang marami-rami ring mga kakilala, kaibigan at kabayan ay pinayuhan natin na tugunan nila ang obligasyon sa Mobile Phone companies para hindi sila maputulan.

Tanggap naman nila ang payo natin kahit nasanay raw kasi sila na may babala muna bago maputulan hindi gaya nitong mga huling panahon, partikular ang Sun Cellular sa Olongapo at Subic Freeport, putol agad kahit maliit lang ang bill basta umabot sa cut-off date. Pwede pa ring pagpasensiyahan ito dahil may dapat ngang bayaran pero ang hindi tama sa karanasan ng kausap natin, matapos magbayad, hindi naibalik ang serbisyo ng Sun Cellular.

Nang magtanong sa tanggapan ng Sun Cellular sa SM City Olongapo, ang sabi ng staff ng Sun, kulang daw ng P200 ang binayaran ng customer na kung hindi bumalik sa lintek na Sun outlet, maghihintay ng wala kahit P200 lang ang kulang sa nabayaran.

Kapalpakan ng Sun ang kulang na kuwenta pero ang kostumer ang nagdusa dahil lang sa napakaliit na halaga na kaya at willing naman na bayaran niya.

Kailan lang nabanatan sa ating pahayagan ang kapalpakan ng Globe pero ito palang Sun, mukhang simpleng katangahan ang dahilan ng kapalpakan.

Ano kaya ang masasabi ng mga big boss ng Sun? Hindi ba kayo nahihiya niyan?

May obligasyon ang mamamayan na bayaran ang inyong serbisyo pero may obligasyon rin kayo na magbigay ng maayos at conveniyenteng serbisyo, magmula sa signal hanggang pakikitungo sa ginagatasan ninyong publiko.

Ito Ang Totoo!

***

Ipaabot sa Ito Ang Totoo sa pamamagitan ng text ang inyong mga mensahe sa cellphone no. 09994001162 o sa Facebook http:// www.facebook.com/pages/Ito-Ang-Totoo-Remate.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply