Palusot ng executive ng TV5 sa utang issue ni Nora katawa-tawa!

GINAGAWA naman yatang tanga ni Perci Intalan ang publiko. Paliwanag kasi ng nasabing executive ng TV5 sa isyu ng pangungutang ng talent nilang si Nora Aunor sa rating kaibigan at publicist nito na si Pilar Mateo, baka raw hindi lang ma-access ni Ate Guy ang pera niya sa network kaya kinukulang ito ngayon.

Mag-antay lang daw at ipinapa-check na nila kung ano ba talaga ang totoo sa isyu. Ano ito lokohan? Pagdating sa pera puwede ba namang hindi malaman ng Superstar na may datung pa siya sa TV5? Hindi naman tanga ang controversial na singer-actress na uutang siya ng maliit na halaga kay Pilarsky kung knows niya na may salapi pa siya. Ang mas magandang gawin ni Perci kung ayaw nilang nasusulat ang pangungutang ni Nora ay bakit hindi nila bigyan ng bagong project ang Superstar?

Eh, ang sabi ng mga invited nilang reporters sa 3-in-1 launch presscon nila ay wala raw sa line-up ng mga bagong programa nila sa Kapatid network si Ate Guy. So papano ito kikita kung wala naman pala silang binibigay na project rito. Naku! Naturingang mayaman ang istasyon n’yo tapos natsitsis- mis na nangungutang ang talent nyo. Nakahihiya gyud!

***

Umapaaw sa ratings araw-araw ang ‘Be Careful With My Heart’ nina Jodi at Papa Chen

NAKITA noon pa ng mga executives ng ABS-CBN ang galing at husay ni Jodi Sta. Maria sa pag-arte na kahit saan mo dalhin ay carry nitong i-portray ang kanyang role o character.

Like sa “100 Days to Heaven” at “Mundo Man ay Magunaw,” mas lalong humusay si Jodi. Kaya naman nang buohin nila ang “Be Careful With My Heart,” isa lang ang nasa isip na babagay sa role ni Maya dela Rosa, isang simpleng babae na ang pangarap sa buhay ay maging flight stewardess para makatulong sa kanyang pamilya.

Sa actor na makatatambal naman nito may ilan ring pinagpilian ang production at ang naging final choice nila ay si Richard Yap na nakikilala ng publiko bilang si Papa Chen sa nag-hit na teleserye ni Kim Chiu na “My Binondo Girl,” and the rest is history at nakakuha nga ng perfect choice na Jodi-Papa Chen love team ang ABS-CBN.

Grabe! Araw-araw ay umaapaw talaga sa ratings ang Be Careful With My Heart ng dalawa at No. 5 na ito sa over- all Top Tv programs ng Kapamilya network nationwide. At sa recent survey ng Kantar Media: Umabot na sa 21.7% ang rating ng nabanggit na drama-comedy romance serye samantalang ang katapat na show sa isang sikat ding network ay nakakuha lamang ng 7.1%.

Samahan si Maya (Jodi) bilang Yaya ng tatlong anak ng biyudong businessman na si Papa Chen (Richard Yap) at ang minamahal na pamilya ni Maya na kinabibilangan ng kanyang Nanay Slyvia Sanchez, sister na si Aiza Seguerra at anak, at lolang comebacking veteran actress na si Divina Valencia.

Ang Be Careful With My Heart ay mula sa nakaaaliw na direksiyon nina Jeffrey Jeturian at Mervyn Brondial. Mapapanood sila mula Lunes hanggang Biyernes tuwing 10:45 a.m. sa ABS-CBN 2 Prime-Tanghali.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply