Pamamahagi ng condom boykotin – simbahan

HINIMOK ng mga obispo ng Simbahang Katolika ang lahat ng alkalde sa buong bansa na huwag sundin ang administrative order (AO) 2012-009 ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Antipolo Bishop Gabriel Reyes-chairman CBCP-Episcopal Commission on Family and Life, layunin umano ng nasabing AO ng DOH na kontrolin ang populasyon ng Pilipinas sa pamamagitan ng malawakang pamimigay ng mga condom at iba pang contraceptives sa lokal na pamahalaan.

Sinabi ng Obispo na bilang chairman ng Commission on Family and Life, ay mariiin niyang kinokondena ang nasabing hakbangin ng DOH.

“Sinasabi nga 3-billion pesos yung gagamtin sa distribution ng artificial contraceptives at sa administrative order na ito, they will distribute 500-million pesos worth of pills and condom. We are against that kasi kung ang kanilang problema ay maternal mortality rate,y ung mothers who died during and after childbirt, ang solusyon diyan ay common sense, to take care of mothers.” pahayag ni Bishop Reyes.

Sa ngayon, nagsasagawa na sila ng kampanya at makikipag-usap sila sa mga alkalde na huwag sundin ang AO ng DOH dahil mali umano ang hakbangin ng Kagawaran.

Pinayuhan naman ng obispo ang Pangulo na ilaan na lamang ang pondo sa pag-aalaga ng mga nanay at medisina tuwing nanganganak imbes na gamitin ang pondo sa contraceptives.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply