Pamamaslang kay Ex-PTA chief Kua, sarado na – PNP

ITINUTURING na ng Philippine National Police (PNP) na sarado na ang kaso ng pagnanakaw at pamamaril kay dating Philippine Tourism Authority (PTA) Chief Nixon Kua na nagresulta sa pagkamatay nito.

Ayon kay PNP spokesman Generoso Cerbo Jr., nasa kustodiya ng PNP ang apat na suspek at tiniyak naman nito na kung makikita sa imbestigasyon o sa pagdinig na mayroon pang ibang suspek ay hindi naman matatakasan ng mga ito ang pananagutan.

Walang inirekomendang piyansa si Assistant City prosecutor Angelina Orendain ng Canlubang City Regional Trial Court (RTC) laban sa mga suspek na sina  Darwin Saminiano, 20; John Rey Cortez, 22; Noel Garcia, 23, at Michael Molino, 21.

Bukod sa kasong pagpatay kay Kua, ang mga suspek ay nahaharap pa sa kasong rape sa isang 21 anyos na ka-klase nito noong nakaraang 2009.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply