Pamana ni Dolphy sa sining, kultura, di matatawaran – Bong Revilla

LUNGKOT ang tanging namutawi kay Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., sa pagpanaw ni Dolphy, ang Comedy King, kaya’t nasabi nitong walang kapantay at walang katumbas ang pamanang iniwan ni Rodolfo Vera Quizon sa sining at ating kultura.

“Lubhang  akong nabigla at nalungkot sa pagpanaw ng ating Comedy King na si Tito Dolphy . Malaking kawalan  siya sa industriya, ngunit sa pagbabalik tanaw, hindi matatawaran ang kanyang mga pamana sa larangan  ng sining at sa ating kultura.Bilang isang ring taga-industriya,  masuwerte kung sino man ang makakaabot sa kanyang narrating,” ayon kay Revilla.

Sinabi ni Revilla na bilang artista, gusto din niyang mapantayan man lamang ang mahigit 200 pelikula at ilang dekada ng TV shows.

“With over 200 movies and decades-long TV shows, we can only aspire for what he has accomplished,” ayon kay Revilla.

“Nakikiramay po ang buong pamilya Revilla sa kanyang mga iniwan. Patuloy siyang magiging inspirasyon sa mga taga-industriya at sa mga Pilipino. Rest in peace Tito Dolphy,” patapos ng senador.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply