Pamilya Durano ng Cebu, tinalikuran na si CGMA

GANAP nang tinalikuran ng pamilya Durano ng Cebu ang dating kaalyado na si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo matapos na makipagsanib na sa Liberal Party (LP) ang magpapamilyang pulitiko sa partido ni Pangulong Benigno Aquino.

Opisyal na tinanggap ng LP sa pangunguna ng PNoy si Danao City Vice Mayor Ramon “Nito” Durano III sa kanyang tahanan sa pamamagitan ng isang oath-taking ceremony.

Paliwanag ni Durano, matagal na silang walang komunikasyon ni dating Pangulong Arroyo matapos ang 2010 elections.

Isinabay din sa oath-taking ang pagpirma sa coalition agreement sa pagitan ng LP at Bakud party ng nabanggit ng pulitiko na sinaksihan naman ng mga alkalde at iba pang lokal na opisyal sa Cebu.

Si Durano ay ama ni dating Tourism Secretary Ace Durano.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply