Pamilya ng napatay na NPA umaalma sa harassment ng militar

UMAALMA ang naiwang pamilya ng tatlong napaslang na kasapi ng New People’s Army (NPA) at ilang residente ng Brgy. Camflora sa San Andres, Quezon sa biglaang pagdagsa sa kanilang baryo ng mga tropa ng Armed forces of the Philippines (AFP) na bantay-sarado ngayon sa mga tahanan kung saan binuburol ang mga nabanggit na mga NPA.

Ang pagluluksa ng mga taga-baryo sa San Andres ay nahaluan ng takot dahil sa interogasyon na isinasagawa ng mga militar sa mga nakikiramaysa naiwang pamilya, ani Glendhyl Malabanan, pangkalahatang kalihim ngKarapatan-Timog Katagalugan.

Kasama ang tatlo sa 11 NPA na napatay ng mga militar sa San Narciso, Quezon noong ika-30 ng Hunyo nang atakehin ng military ang umano’y kampo ng mga NPA.

Isa sa mga napatay na NPA na si Armando “Ka Arman” Albarillo, dating kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan-Southern Tagalog (BAYAN-STBAYAN-ST.

“Mahigit isang dekada na nang mapaslang ang mga magulang ni Ka Arman nang barilin sila ng mga military,” ani Leo XL Fuentes, kasalukuyang pangkalahatang kalihim ng BAYAN-ST.

“Hinanap ni ka Arman ang hustisya para sa kanyang mga magulang at pumanig siya sa mga mahihirap upang makibaka para sa disenteng sahod, lupa, edukasyon at iba pang batayang karapatan sibil. Ngunit siya  kasama ng 71 pa ay sinampahan ng AFP ng mga gawa-gawang kaso, tulad ng murder at arson noong 2008. Hindi  nakapagtataka kung bakit siya nagpasyang mag-armast,” ani Fuentes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply