Pamilya ni Nixon Kua, titiyakin na ligtas

TITIYAKIN ng Philippine National Police sa Southern Luzon na ligtas sa kapahamakan ang pamilya ng napatay na dating Philippine Tourism Authority head at columnist na si Nixon Kua habang patuloy na tinutugis ang isa at huling suspect na pinaniniwalaang missing link sa robbery killing noong nakaraang linggo.

Sinabi ni PNP Southern Luzon head Chief Superintendent James Melad na ikinasa ang pagbibigay ng seguridad  kahit hindi hinihiling ng pamilya ni Kua.

Narinig pang sinabi ni Melad na may posibilidad na may banta sa buhay ang mga mahal sa buhay ni Kua lalo na ang sinasasabing “missing link” ay nakalalaya pa.

Si Kua, na isang dating PTA head at columnist para sa Pilipino Star, ay  binaril noong nakaraang Sabado  ng gabi sa Calamba, Laguna. Namatay ito noong nakaraang Lunes ng gabi.

Inagaw ng mga suspect ang bag ng anak nito na may laman na P90,000, na ipangsusuweldo sa mga trabahador na kanyang inupahan para sa kanyang ginagawang bahay.

Apat pa lamang sa lima ang nahuhuli na ang isa ay isinuko ng kanyang sariling tatay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply