Pamilya puwersahang pinalikas sa Laguna

PUWERSAHANG inilikas sa kanilang tahanan ang mga pamilya na nakatira sa isang subdivision sa San Pedro, Laguna bunsod ng nakaambang landslide ngayong Biyernes, iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Sa kanilang Friday morning report, sinabi ng NDRRMC na delikado ang mga bahay sa Filinvest Southern Heights 2 sa Brgy. United Better Living dahil may mga senyales na maaaring mag-collapse ang mga riprap na nakapaligid sa naturang lugar.

“Based on the investigation, a riprap was meant to support the added weight of the new (three-story house). However, signs of possible collapse were seen in the area due to the prominent bulges and cracks on the walls,” ayon sa kanilang ulat.

Sa apat na pamilya ng isang building sa naturang subdibisyon, isa rito ang puwersahang inilikas ng welfare department ng naturang barangay.

Habang ang tatlo pang natitirang pamilya ay binigyan ng instruction na umalis na sa naturang lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply