Pamilya Quizon, umapela sa mga fans ni Dolphy

NANAWAGAN ang pamilya Quizon na respetuhain ang gagawing paghatid sa huling hantungan kay King of Comedy Dolphy.

Ang libing kay Dol;phy ay magiging eksklusibo lamang sa pamilya at malalapit na kaibigan ng komedyante.

Maari naman makiisa ang sambayanan sa kanilang pagluluksa matapos payagan ng pamilya ang live coverage bukas.

Mga dakong alas-10:00 bukas ng umaga ay isasagawa ang huling necrological service habang dakong alas-2:00 naman sisimulan ang seremonya sa paglilibing sa hari ng komedya.

Samantala, itinakda ng pamilya Quizon na hanggang alas-6:00 na lamang ngayong hapon maaring makita ng mga fans sa huling pagkakaton si King of Comedy Dolphy.

Ito ay matapos bumuhos ang tao sa huling araw ng burol ni Pidol.

Ayon sa pamilya, pinalawak nila ang oras upang mapagbigyan pa ang napakaraming taong matyagang pumila para makita ang yumaong komedyante.

Magiging ekslusibo naman sa pamilya ang nalalabing oras hanggang sa mailibing ang komedyante.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply