Pampanga nag-deklara nang dengue out-break; 1 patay sa CDO

NAGDEKALARA na rin ng dengue outbreak sa Sto.Tomas, Pampanga matapos na  umakyat sa bilang na 33 ang kaso ng naturang sakit sa loob lamang ng dalawang linggo.

Sa nasabing bilang ay may naitalang isa ang namatay.

Dahil dito, puspusan ang kampanya ng local na pamahalang lungsod  at maging ang mga health workers  upang malaban ang magdami ng kaso ng dengue sa lugar.

Umabot naman sa 40  ang naitalang kaso  ng dengue  sa Rizal ,Nueva Ecija  at  isa ng 9 na taong gulang na batang babae naman ang naitalang binawian ng buhay.

Sa ngayon ay hindi pa nagdeklara ang pamahalaan ng Nueva Ecija ng dengue outbreak ngunit pinalakas na ang kanilang anti-dengue drive.

Samantala, isang bata  ang iniulat nang namatay dahil sa sakit na dengue sa lalawigan ng Cagayan de Oro City.

Bunsod nito, lalo pang pinaigting  nagyon ng kanilang Barangay health emergency response Team  ang kanilang kampanya laban sa pagsugpo sa mga lamok na may dalang dengue

Ayon sa Provincial health office, huli na nang dalhin sa J.R Borja City Hospital ang biktima dahil nasa stage 4 na ang kanyang dengue

Muli namang nanawagan ang Provincial health office sa lungsod na tumulong   sa  kampanya laban sa dengue at patuloy ang paglilinis sa kanilang kapaligiran upang  maitaboy ang mga lamok na may dalang dengue.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply