Pampanga PD Col. Tinio swak sa VK ni Laxamana

HABANG abala si PNP Chief Director General sa pagreretoke sa imahe ng kapulisan, may iba namang pinagkakaabalahan si Pampanga Provincial Dir. Ed Tinio.

‘Yan, parekoy, ang pagsasaayos ng mga lugar sa Apalit, Guagua, Mexico, Mabalacat, San Fernando at Angeles City. Ang kaibahan lang, hindi niya nireretoke na gumanda ang imahe ng kapulisan sa kanyang nasasakupan.

Ayon sa ating tawiwit, ang gustong matiyak ni Col. Tinio ay ang gumanda ang collection mula kay video-karera (VK) king Louie Laxamana.

Ang pagbibigay protection sa mahigit 2,000 makina ng VK ni Laxamana na kasalukuyang nakaporma sa nasabing mga lugar ang pangunahing concern ni Col. Ed Tinio, ayon pa sa ating tawiwit. Kaya naman pala kahit sandamakmak na ang reklamo ng LGU officials at religious groups laban kay VK king Louie Laxamana ay walang nangyayari.

At sino nga namang gagong COP at pulis patola ang kakalampag kay “double L.”? Aba eh, pinalagpas muna ang lingguhang “biyaya” ni Double L, namemeligro ka pang matapon sa kangkungan kung pakikialaman mo ito! Noong una, parekoy, hindi ako naniniwala na posibleng “swak” si Col. Tinio sa nasa-bing operasyon ni Laxamana o protector siya nito.

Kaya lang, sandamakmak na kalampag na ang inabot ng Provincial Director na ito ay wala pa ring tinag si double L. Derpor, protector ba o inutil lang itong si Col. Ed Tinio?

O pareho? Hak, hak, hak!

-o0o-

NAKIUSAP ang ilang religious leaders sa Angeles City na kung maari ay isabay na lang natin sa pagdalirot ang kaliwa’t kanang sugalan sa Angeles City na ang operator naman ay si “Pares.”

Dahil maliban sa pasok rin ito sa tanggapan ni Col. Ed Tinio ay madalas ipangalandakan ni Pares na malaki ang ginagastos niya tuwing election para sa kandidatura ni Mayor Ed Pamintuan!!!

oOo

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking programang “Alarma kinse trenta” (Monday-Friday, 6-7am). Para sa inyong reaction: 09098992775

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply