Pancho Villa binigyan ng parangal ni Lim; 1 minute prayer para kay Dolphy

BINIGYAN ng tribute ni Manila Mayor Alfredo S. Lim sa kanyang ika-87 death anniversary  ang kauna-unahang Filipino boxer na nanalo sa  titulong World Flyweight Boxing Champion, na si  Francisco Guilledo, kilala bilang “Pancho Villa,”sa ginanap na wreath laying ceremony kahapon sa Manila North Cemetery sa Maynila.

Kasabay nito, nag-alay ng 1minutong panalangin si Lim sa kanyang ililining ng kaibigan na si Rodolfo Vera Qyuzon.alyas Dolphy.

Ayon kay Lim, si Villa at Dolphy ay mananatili sa puso ng bawat Filipino dahil sa kanilang tapang at determinasyon na lumaban sa boxing sa kabila ng kanyang gum infection at si Dolphy naman ay para magpasaya.

“Sinabi ko sa pamilya ni pareng Dolphy at para sa mga tao, feel proud that you have a father who is like Dolphy, dahil sa talambuhay niya walang inisip na masama sa kapwa yan, puro kung papano siya makapagbibigay ng kasiyahan, kaligayahan at kung paano makakatulong, hindi siya mahilig sa publicity, kung anong sasabihin niya totoo at galing sa puso, hindi siya marunong mambola,” ayon  kay Lim.

Magugunita na ang namayapang  si Villa ay nakapagtala ng 105 boxing fights .dahilan para kilalanin siyang best athlete sa field ng boxing at naging dahilan rin para ideklara siya bilang isa sa “150 outstanding boxers for all seasons” sa mundo.

Si Pancho Villa ay namatay sa edad 24,dahil sa infection sa gilagid na kumalat sa lalamunan na nagresulta sa anaesthetic overdose, habang ginagamot sa Estados Unidos.

Noong 1994, isinama si Pancho Villa sa “International Boxing Hall of Fame.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply